Home NATIONWIDE De Lima sa pagkumpara ng kaniyang absent kay Dela Rosa: ‘wag n’yo...

De Lima sa pagkumpara ng kaniyang absent kay Dela Rosa: ‘wag n’yo kaming gamiting excuse!

226
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang paghahambing ng kanyang mga pagliban noon sa Senado sa patuloy na pagliban ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na hindi na dumadalo sa mga sesyon mula pa noong Nobyembre 11.

Ayon kay De Lima, hindi boluntaryo ang kanyang hindi pagpasok noon sa Senado.

“With due respect, SP Sotto should not compare me or Sen. Trillanes with Sen. Bato’s situation. Our non-attendance in Senate sessions during our incumbency was involuntary,” aniya.

Ipinaliwanag niyang hindi siya makadalo dahil siya ay nakakulong at humaharap sa mga kasong aniya’y gawa-gawa ng Duterte administration.

“I could not be physically present in the Senate because I was in detention to face fabricated charges filed against me by the Duterte administration,” saad ni De Lima.

“On the other hand, Sen. Bato is running away from possible arrest by the ICC (International Criminal Court),” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni De Lima na kahit nakakulong siya noon, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho bilang mambabatas at nakapaghain ng mga panukalang batas na ang ilan ay naging ganap na batas.

“Nakiusap pa nga ako na mag-participate sa online sessions and hearings ng Senate during the pandemic dahil ginagawa naman na ‘yun, pero hindi napagbigyan ng mayorya ng Senado,” saad niya.

Aniya, malinaw ang kanyang intensyon at pagsisikap na magtrabaho kahit nasa detensyon.

Tinutulan din niya ang paggamit sa kanyang pangalan bilang dahilan ng umano’y kabiguan ng pamunuan ng Senado na disiplinahin si Dela Rosa.

“Huwag n’yo naman po kaming gamiting excuse sa hindi pagdisiplina sa isang delinkwenteng senador,” ayon kay De Lima.

Noong 2024, ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang huling drug case laban kay De Lima matapos aprubahan ang kanyang demurrer to evidence.

Siya ay unang nakulong noong 2017 kaugnay ng tatlong drug cases.

Samantala, sinabi ni Senator Imee Marcos na patuloy pa ring ginagampanan ni Dela Rosa ang kanyang tungkulin kahit hindi nakikita sa Senado.

Nagsimula ang pagliban ni Dela Rosa matapos ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may umano’y warrant of arrest ang ICC laban sa kanya kaugnay ng madugong giyera kontra droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here