Home METRO P97-M ismagel sigarilyo, nahukay sa Maguindanao del Norte

P97-M ismagel sigarilyo, nahukay sa Maguindanao del Norte

181
0

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Mahigit P97 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo ang nahukay sa isang pribadong lote sa Parang, Maguindanao del Norte noong Enero 6–7 sa isang joint operation ng PNP at Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa PNP, nagsagawa sila ng operasyon matapos mag-serve ng letter of authority (LOA) at batay sa validated intelligence reports na ginagamit ang lugar bilang imbakan at distribusyon ng smuggled cigarettes, paglabag sa RA 10863 at RA 12022.

Napansin ng awtoridad na may mga bahagi ng lupa na malambot at kamakailan lang naistorbo, kaya naghukay sila at natagpuan ang 2,483 master cases ng sigarilyo na may tinatayang P97,457,750.

Dinala ang mga sigarilyo sa BOC – Davao District Office sa Panabo City para sa proper disposition at reevaluation.

“Hindi natin hahayaang sirain ng smuggling ang ating ekonomiya at kabuhayan. Kung may ilegal na itinatago, sisiguraduhin ng PNP na ito ay matutuklasan at mapanagot sa ilalim ng batas,” ani PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Kasama ang BOC sa paghuhukay, pag-imbentaryo, at pagsasaayos ng lugar bago ito ibalik sa barangay.

Kasalukuyang inihahanda ng PNP at BOC ang mga dokumento para sa posibleng criminal charges laban sa may-ari o sangkot sa smuggling. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here