Home ENTERTAINMENT Bibig ng bagong jowa ni Andrea, sinabihang ‘malaswa’!

Bibig ng bagong jowa ni Andrea, sinabihang ‘malaswa’!

241
0

Manila, Philippines – aWalang masama na ipangalandakan sa buong mundo ang pagmamahal para sa isang tao…

“Pero watch your language!”

Ito mismo ang payo ng mga konserbatibong netizen sa bagong nobyo ni Andrea Brillantes–ang basketball player na si Franchesko Juan “Pankie” Capistrano.

Trending ngayon sa social media how Pankie professes his love for the actress.

Sa isang TikTok post, more than 3.6 million views ang inani ng kanilang sweet moments–na parang wala nang bukas pa.

Dahil brandnew relationship, marami ang nakakaunawa sa tila honeymoon experience na ‘yon–short of saying na paano pag nagtagal-tagal?

All the more na kinilig ang mga faney sa caption ni Pankie na: “Have you ever been in love?

‘Absofuckinglutely'”

Tugon naman ni Andrea: “Puwera usog (please) lang!”

While many throw in their support, may ilan din ang dismayado kay Pankie with the way he chooses his words.

Bulgar at malaswa daw kasi.

Eh, sukatan pa naman daw ang ugali ng tao sa pananalita nito.

O, ganoon lang talaga ang bibig ni Pankie?

“Magmumog siya, ‘no!” sey ng isang netizen na turned off sa kanya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here