MANILA, Philippines – Muling hinikayat ng Department of Health ang publiko na magpabakuna upang maiwasan ang mga sakit na maaring maiwasan na binigyang-diin na ang pagbabakuna ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang maprotektahan laban sa malalang sakit at kamatayan.
Sa isang abiso ng DOH, maaaring makakuha ng mga sumusunod na bakuna nang libre sa mga Health centers at DOH-Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers sa buong bansa.
Edad 0–12 buwan:
BCG vaccine (against tuberculosis)
Hepatitis B vaccine
Pentavalent vaccine
Oral Polio Vaccine (OPV)
Inactivated Polio Vaccine (IPV)
Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)
Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine
School-age children (9–14 years old):
Grade 1 and Grade 7: Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) vaccines
Grade 4 girls: Human Papillomavirus (HPV) vaccine
Pregnant women:
Tetanus-Diphtheria (Td) vaccine
Senior citizens (60 taong gulang pataas):
Influenza vaccine
Pneumococcal vaccine
Sinabi ng DOH na ang mga bakuna ng ito ay napatunayang ligtas at epektibo para hindi ma ospital at maiwasan ang nakamamatay na mga sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden