MANILA, Philippines – Sinuri ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang patuloy na konstruksyon ng 20-palapag na gusali ng Philippine Cancer Center nitong Martes, Enero 13, 2026, sa Quezon City.
Ang ospital ay nilagyan ng makabagong kagamitang medikal tulad ng MRI Linear Accelerator Machine, Positron Emission Tomography (PET) Scan, Hybrid Operating Room, Cyberknife, at Proton Therapy.
Isinagawa ang inspeksyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at tapusin ang mga nakabinbing proyektong imprastruktura ng gobyerno, lalo na ang mga ospital, upang agad itong mapakinabangan ng mga Pilipinong nangangailangan ng gamutan. DANNY QUERUBIN







