MANILA, Philippines – Isang bettor ang nanalo ng P15.8 milyon jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw na ginanap nitong Martes, Enero 13, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nakuha ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 15-28-26-06-27-25 na may katumbas na jackpot prize na P15,840,000.00.
Samantala, walang nanalo sa iba pang major lotto draws ng PCSO.
Walang nakakuha ng winning combination na 20-03-29-15-39-19 para sa Lotto 6/42 na may jackpot prize na P5,940,000.00.
Wala ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw na may winning numbers na 28-44-11-43-33-45, dahilan upang umabot na sa P235,429,574.80 ang jackpot prize nito.
Isinasagawa ang Lotto 6/42 at Superlotto 6/49 draws tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ginaganap naman ang Ultra Lotto 6/58 draws tuwing Martes, Biyernes, at Sabado. RNT