Home NATIONWIDE Tracker team sa pag-aresto kay Atong Ang, ipinadala ng PNP

Tracker team sa pag-aresto kay Atong Ang, ipinadala ng PNP

265
0

MANILA, Philippines – Nagpadala na ng tracker teams ang Philippine National Police (PNP) para ipatupad ang warrant of arrest laban kay businessman Charlie “Atong” Ang at iba pa kaugnay ng pagkamatay ng ilang sabungeros, ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules.

Inutusan ng Sta. Cruz Laguna Regional Trial Court Branch 26 ang pag-aresto kay Ang na nahaharap sa tatlong kaso ng kidnapping at serious illegal detention at kidnapping with homicide.

Ani Nartatez, “The dedicated teams of the PNP are now on their way to implement the warrant of arrest. It specifies the warrant of arrest or the location of Charlie ‘Atong’ Ang, the different locations, and it will be served in those locations.”

Nahaharap din si Ang sa kaparehong kaso sa San Pablo, Laguna at Lipa, Batangas.

Noong Disyembre 9, 2025, iniindict ng Department of Justice (DOJ) si Ang at 15 pulis kasama ang iba pang 6 katao sa mga kaso na isinampa sa Sta. Cruz at San Pablo, Laguna, at Lipa, Batangas.

Nakabatay ang indictment sa testimonya ng Patidongan brothers, Julie at Ellakim, na nagsilbing close-in security ni Ang.

Si Ang ay naghain ng motion for reconsideration sa DOJ resolution na kasalukuyang naka-pending pa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here