Home METRO Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, ibinabala ng PhiVolcs

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, ibinabala ng PhiVolcs

192
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Enero 14, sa pagpapakita ng mataas na unrest ang Kanlaon Volcano sa Negros Island, kasunod ng pagdami ng volcano-tectonic earthquakes sa paligid nito.

Mula madaling araw ng Miyerkules, nakapagtala ang Kanlaon Volcano Network ng 45 volcano-tectonic earthquakes na may magnitude na 0.6 hanggang 3.9 at lalim na 0 hanggang 13 kilometro.

Ang pinakamalakas na pagyanig ay naramdaman sa intensity I hanggang IV sa La Carlota City, Bacolod City, Negros Occidental, at Canlaon City, Negros Oriental.

Ayon sa Phivolcs, ang mga lindol na dulot ng pagkabasag ng bato ay nagpapakita ng pag-akyat ng magma o gas sa ilalim ng bulkan.

Ang emission ng sulfur dioxide mula sa crater ay nasa 1,248 tons per day noong Enero 13, malapit sa average ng 1,767 tons mula Enero 1, ngunit nakapagtala ng 4,126 tons per day noong Enero 9.

“Ang pagtaas ng lindol at gas emissions ay nagpapahiwatig ng bagong magma intrusion, na posibleng magdulot ng moderately explosive eruptions,” ani Phivolcs.

Nanatiling Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang mataas ang unrest.

Binabalaan ang publiko na posibleng magkaroon ng panandaliang steam-driven o explosive eruptions na maaaring magdulot ng pyroclastic density currents, ashfall, rockfalls, at ballistic projectiles.

Pinayuhan ang mga residente sa loob ng apat na kilometro permanent danger zone na manatiling lumikas, habang ang nasa loob ng anim na kilometro mula sa crater ay dapat maging alerto.

Inutusan din ang mga komunidad malapit sa mga ilog na magbantay sa lahars tuwing malakas ang ulan, at ang mga awtoridad sa civil aviation ay pinayuhang iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here