Home NATIONWIDE Pagkansela ng mga proyekto ng Solar Philippines, ‘di personal – DOE

Pagkansela ng mga proyekto ng Solar Philippines, ‘di personal – DOE

214
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin nitong Miyerkules na “Nothing personal” ang hakbang ng gobyerno na magpataw ng multa at kanselahin ang mahigit 11,000 megawatts na kontrata ng Solar Philippines, kumpanya na itinatag ni Batangas Rep. Leandro Leviste.

Ayon kay Garin, hindi dahilan ang umano’y Cabral files o online posts ni Leviste sa desisyon.

“Hindi naman. Kahit hindi siya mag-ingay eh talagang canceled talaga ‘yung projects niya. Hindi naman ito personalan pero… kahit man, kung ‘di namin ite-terminate ito, mali ang gagawin namin,” ani Garin.

Dagdag pa niya, “Hindi yata tama na huwag na nating galawin dahil nag-iingay siya.”

Ipinahayag ng Department of Energy (DOE) noong Martes na P24 bilyon ang kabuuang multa sa Solar Philippines matapos mabigong mag-deliver sa kanilang production commitments sa nakalipas na dalawang taon. Kasama sa penalties ang performance funds, contractual obligations, at training and development funds.

Natuklasan ng DOE na hindi naabot ng Solar Philippines ang commitment nitong malapit sa 12 gigawatts ng renewable energy capacity.

Maaari umanong maging available sa ibang energy companies ang mahigit 1,300 MW na naka-assign sa Solar Philippines kung hindi maabot ang deadlines.

Kasabay nito, iniimbestigahan ng Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang umano’y transfer at pagbebenta ng solar energy franchise ni Leviste na sinasabing walang aprubal ng Kongreso.

Sinabi naman ni Leviste na tatalakayin niya ang mga alegasyon sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Enero 26.

Tiniyak ng Meralco PowerGen Corp. (MGEN) na nag-invest sila sa SP New Energy Corp., hiwalay sa Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC).

Iginiit nila na hindi sila bumili ng shares mula sa SPBC, ngunit nabili ni Leviste ang P22.259 bilyon na shares ng MGEN Renewables mula huli 2023 hanggang unang bahagi ng 2025. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here