Home METRO Mag-utol niratrat pauwi galing lamay sa Abra

Mag-utol niratrat pauwi galing lamay sa Abra

212
0

DOLORES, Abra — Nasawi ang magkapatid na edad 29 at 25 matapos silang pagbabarilin habang pauwi mula sa lamay sa Barangay Isit, Dolores, Abra, ayon sa ulat ng pulisya Miyerkules.

Isa sa mga biktima ay natagpuan sa maliit na daan, habang ang isa naman ay nasa kanal.

Pareho silang nagtamo ng tama ng bala sa mukha.

Narekober ng pulisya ang siyam na basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa pinangyarihan.

Patuloy ang imbestigasyon para malaman ang motibo at ang pagkakakilanlan ng salarin, at sinusubukan ring makuha ang pahayag ng pamilya ng mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here