Home NATIONWIDE Higpit-seguridad sa mga paliparan, pantalan ipinatupad ng PNP vs ‘pagpuslit’ ni Atong...

Higpit-seguridad sa mga paliparan, pantalan ipinatupad ng PNP vs ‘pagpuslit’ ni Atong Ang

204
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes ang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa upang pigilan ang posibleng pagtakas ni Atong Ang, na may mga arrest warrant kaugnay sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Iniutos ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mas mahigpit na koordinasyon sa immigration authorities.

“The most logical option for him is to surrender because the PNP is determined to comply with the arrest warrant issued by the court. If he is indeed innocent as he has been claiming, the more that he should be encouraged to surrender to face the accusations against him,” ani Nartatez.

Nasa heightened alert ang lahat ng ports of exit, at nagde-deploy ng tracker teams at intelligence units upang matiyak na hindi makakalabas ng bansa si Ang.

Kabilang si Ang sa 18 akusadong may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero. Nahaharap siya sa 15 counts ng kidnapping at serious illegal detention at apat na counts ng kidnapping with homicide.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang iba pang 17 akusado. Humiling ang abogado ni Ang na si Gabriel Villareal ng oras upang suriin ang mga kaso laban sa kanyang kliyente.

Nanawagan ang ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero na sumuko si Ang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here