Home TOP STORIES Crane gumuho sa Bangkok, 2 patay

Crane gumuho sa Bangkok, 2 patay

236
0
Recovery workers gather around the wreckage of a train that crashed when a construction crane collapsed in Thailand's Nakhon Ratchasima province on January 14, 2026. A crane at a China-backed high-speed rail project in Thailand collapsed onto a passenger train on January 14 and caused it to derail, killing at least 28 people and injuring dozens more, authorities said. (Photo by Lillian SUWANRUMPHA / AFP)

BANGKOK, Thailand – Dalawang katao ang nasawi matapos gumuho ang isang crane sa isang highway construction site sa labas ng Bangkok nitong Huwebes, ayon sa lokal na pulisya.

Ayon kay police chief Sitthiporn Kasi, nangyari ang insidente sa ginagawang Rama II Expressway sa Samut Sakhon province.

“Two dead and no injuries,” sabi ni Kasi sa AFP.

Iniulat ng lokal na media na naganap ang pagbagsak ng crane sa tapat ng Paris Inn Garden Hotel, kung saan makikita sa mga video ang makapal na alikabok at mga debris matapos bumagsak ang crane sa isang elevated concrete structure.

Kilala ang Rama II Expressway bilang lugar ng ilang malalaking infrastructure projects, kabilang ang tollway construction, at ilang beses na ring nasangkot sa mga nakamamatay na aksidente kaya tinawag na “Death Road.”

Ang insidente ay sumunod lamang sa isa pang crane collapse noong Miyerkules sa Nakhon Ratchasima, kung saan bumagsak ang isang malaking crane sa ibabaw ng tren at ikinamatay ng 32 katao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here