Home HOME BANNER STORY Pagbibigay ng maling flood control data ni Bonoan kay PBBM biniberipika ng...

Pagbibigay ng maling flood control data ni Bonoan kay PBBM biniberipika ng Palasyo

214
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bineberipika pa nito ang naging pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na tila niloko di umano ni dating Public Works and Highways secretary Manuel Bonoan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang sinadyang magsumite si Bonoan ng incorrect information kay Pangulong Marcos ukol sa flood control projects.

”Sa ngayon po bine-verify pa rin po ang nasabi po ni Senator Lacson so hindi pa po tayo makakapagbigay ng detalye at kailangan po naming maverify lahat po ito,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Sa ulat, sinabi ni Lacson na sinadyang baguhin ni Bonoan ang coordinates sa ‘Sumbong sa Pangulo’ website.

Dahil dito, maituturing na panloloko ang ginawa ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpasa ng maling grid coordinates para sa Sumbong sa Pangulo website.

Ayon kay Lacson, ang datos na ibinigay ni Bonoan sa Pangulo ay bloated dahil mas mababa sa 421 ang bilang ng ghost flood control project.

Sa ngayon, tiniyak ng senador na patuloy ng inaayos ng DPWH ang impormasyong ito.

Dagdag pa niya, nakapag-usap na sila ni DPWH Sec. Vince Dizon tungkol dito at magpapadala ito ng dalawang undersecretary para magtestigo sa kanilang pagdinig as Senate Blue Ribbon Committee.

Sa ngayon, ayon kay Lacson, nasa United States si Bonoan at alam naman din ng awtoridad ang tungkol dito.

Kung sakaling magkaroon ng paghahain ng warrant of arrest sa dating kalihim, sinabi ng senador na maari silang humingi ng tulong sa awtoridad sa paghahain nito.

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa bumabalik sa Pilipinas si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, sa kabila nang nauna niyang inihayag na uuwi siya mula sa Amerika noong nakaraang Disyembre 17.

Umalis ng Pilipinas si Bonoan– na nasa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO)—noong Nobyembre 11, at lumipad pa-Amerika para samahan umano ang asawa na magpapagamot.

Nakasaad noong umalis siya na babalik siya sa bansa sa December 17, 2025.

‘Records show that he has not returned to the Philippines to date, despite indicating December 17, 2025 as his return date in his letter, through counsel, on November 10, 2025,” ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval.

Kabilang si Bonoan sa mga dating opisyal ng DPWH na inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasuhan kaugnay nganomalya sa paggamit ng pondo para sa flood control. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here