Home NATIONWIDE Loren humingi ng tulong kay Lacson: Bigyan ng advice si Leviste

Loren humingi ng tulong kay Lacson: Bigyan ng advice si Leviste

210
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na nagpadala ng mensahe sa kanya si Senador Loren Legarda para humingi ng tulong na mabigyan ng advice ang anak nito na si Batangas Representative Leandro Leviste.

Ang request ay kasunod ng mga kritisismo kay Leviste na nagbitaw ng kontrobersyal na pahayag kaugnay ng “Cabral files” at P2 milyong Christmas bonus sa mga kongresista.

“Nag-message nga sa akin si Senator Legarda. Sabi niya kung puwedeng ma-advisan to at least calm down a little. In fact nag-a-arrange nga ng meeting si Congressman Leviste with me,” ani Lacson.

“Yun ang request ni Senator Legarda kasi nga, dumadaing daw sa kanya. Bakit sabi niya, ‘Bakit si Senator Lacson ganoon din naman ang ginagawa, bakit ako ganitong katindi yung balik sa akin?’” ibinahagi pa ng senador.

“Hindi niya alam yung laro sa politika. Na siyempre, pag bumabatikos ka, mag-expect ka rin na babalikan ka. Not necessarily totoo yung binabalik sa iyo pero ilalagay ka rin sa position na maging defensive ka.”

Idinagdag ni Lacson na ang simpatiya niya ay na kay Leviste at dapat umano itong pasalamatan ng publiko sa pagsasabi ng nalalaman nito.

“Umiiyak daw kay Senator Legarda. ‘Bakit ako? Bakit ganito yung paninira nila sa akin? Eh alam ko si Senator Ping dumaan din siya sa ganyan.’ Pero mas matindi raw yung balik sa kanya,” ayon kay Lacson.

Sa kanyang palagay ay mayroong mga hakbang para patahimikin si Leviste.

Nang tanungin kung ano ang advise nito kay Leviste, sinabi ni Lacson na, “Huwag yung bara-bara. Nasabi ko na rin kay Senator Loren na parang i-telegraph niya nang konti huwag yung araw-araw nasa TV siya. Kasi di ba nakakaumay din.”

Wala pang iskedyul ng meeting nito kay Leviste. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here