MANILA, Philippines – Kumpiyansa si DOJ Secretary Frederick Vida na nasa bansa pa rin ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang.
“From all available information, yes, confident –the government is confident base on available information and records that we have Mr. Atong Ang is sila in the country,” pahayag ng kalihim.
Pero ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, si Ang ay itinuturing nang pugante sa batas matapos siyang hindi pa rin maisyuhan ng warrant of arrest at hindi pa rin naaaresto.
Ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na hindi umuusad ang kaso.
Hindi aniya maaaring paratangan ng kampo ni Atong Ang na legally questionable at premature ang warrant of arrest na inisyu ng Korte dahil hindi lamang impormasyon kundi pati mga dokumento ang pinag-aralan ng hukom bago maglabas ng warrant kaya may sapat na basehan.
Hindi rin aniya maaaring aksyunan ng hukuman ang anumang affirmative relief ng kampo ni Ang hanggat hindi pa siya naaresto dahil wala pa hurisdiksyon ang korte sa akusado bagamat maaari nang ihain ang motion to quash bago ang arraignment.
Base rin sa rekord ng Bureau of Immigration (BI), walang indikasyon na lumabas ng bansa si Atong Ang. Jocelyn Tabangcura-Domenden