Home NATIONWIDE Merkado sa paggawa sa Pilipinas nananatiling malakas – DOLE

Merkado sa paggawa sa Pilipinas nananatiling malakas – DOLE

220
0

MANILA, Philippines -Napanatili ng Pilipinas ang pagtaas ng Employment rate batay sa resulta ng Lbor Force Survey noong nakaraang taon.

Batay sa pinakahuling LFS ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang employment rate ay nasa 95.6% noong Nobyembre 2025, kumakatawan sa 49.26 milyong indibidwal na may trabaho.

Bumaba naman ang unemployment rate sa 4.4% noong parehong buwan.

Patuloy na pinapalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pagsisikap nito sa pangangasiwa ng trabaho, kasama ang pagdaraos ng mga job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Noong Enero 9, 2026, nagkaroon ng job fair sa Clark Freeport Zone na nag-alok ng mahigit 2,900 trabaho, kung saan 25 ang na-hire on the spot.

Inaasahan din ng DOLE na tataas pa ang employment rate sa Disyembre 2025 dahil sa mataas na pangangailangan para sa part-time at pansamantalang trabaho noong kapaskuhan.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na job fair, pwede mong bisitahin ang opisyal na website at social media page ng DOLE. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here