Manila, Philippines – Aminado si Bugoy Carino na dumating na siya sa puntong nagsisisi siya nang magkaanak siya kay AJ Laure sa murang edad na 16.
Naapektuhan kasi ang kanyang career.
Pero na-realize niya ring isang blessing ang pagdating sa buhay niya ng kanyang anak na si Scarlet, na 7-years-old na ngayon.
Sabi ni Bugoy, “Well, aaminin ko po, nu’ng una talaga nanghinayang po talaga ako. Habang tumatagal, nare-realize ko na kumbaga, parang gift siya ni God. So blessing siya.
“Kumbaga nu’ng time na ‘yon, mas maraming blessing na pumasok sa akin. Inalis ko na sa isip ‘yong mga regrets ko at pagsisisi.”
Patuloy niya, “Natuto akong unahin ang family ko kesa sa sarili ko, kumbaga inuna ko yung pangarap ko para sa kanila.
“Walang ibibigay si God na pagsubok, blessing, o gift na hindi natin kaya.”
Samantala, isa si Bugoy sa mga bida sa pelikulang Breaking The Silence, written and directed by Errol Ropero.
Executive Producers are Ms.Ann Michelle Weber and Mr. Lawrence Weber under Gummy Entertainment Productions. Rommel Placente