Home HOME BANNER STORY Pinas, may 14-day visa-free entry sa mga Tsino

Pinas, may 14-day visa-free entry sa mga Tsino

229
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Pilipinas ng visa-free entry sa mga Chinese national simula Enero 16, na magpapahintulot ng pananatili nang hanggang 14 na araw, bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang kalakalan, pamumuhunan, at turismo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“This is in line with the President’s directive to facilitate trade, investments, and tourism, as well as strengthen people-to-people exchanges between the Philippines and China,” pahayag ng DFA.

May bisa ang visa-free arrangement sa loob ng isang taon at rerepasuhin bago ito mag-expire. Ang pribilehiyo ay para lamang sa pagpasok sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport sa Metro Manila at Mactan-Cebu International Airport sa Cebu.

Kinakailangang magpakita ang mga Chinese national ng pasaporteng may bisa ng hindi bababa sa anim na buwan lampas sa itinakdang pananatili, kumpirmadong hotel accommodation o booking, at return o onward ticket.

Ayon sa DFA, para lamang sa turismo o business purposes ang visa-free entry.

Dagdag ng DFA, hindi maaaring palawigin ang 14-araw na pananatili at hindi rin ito maaaring i-convert sa ibang uri ng Philippine visa.

Magpapatuloy ang mga security check, kabilang ang pagsisiyasat sa derogatory records, upang mapanatili ang seguridad at kaayusang publiko habang pinapadali ang pagpasok ng mga lehitimong biyahero. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here