Home METRO Lalaking wanted sa Caloocan sa kasong rape, huli sa Laguna

Lalaking wanted sa Caloocan sa kasong rape, huli sa Laguna

259
0

MANILA, Philippines – Nagwakas ang pagtatago sa batas ng isang wanted sa kasong rape through sexual assault matapos itong matunton sa lugar na pinagtataguan sa lalawigan ng Laguna.

Sa ulat na natanggap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang 35-anyos na akusado na itinuturing na Top 4 sa Most Wanted Person (MWP) ay nahatulan na ng hukuman sa kasong Rape Through Sex Assault.

Sa pangunguna ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station na pinamumunuan ni P/Col. Joey Goforth , nasukol nila ang ang akusado sa Maharlika Highway, Brgy. San Juan, Alaminos, Laguna alas 5:00 ng umaga kahapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Branch 121 na may petsang Disyembre 2, 2025.

Samantala,pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Caloocan police station ang akusado habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Bureau of Corrections. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here