Home NATIONWIDE Gumuhong landfill sa Cebu, pina-iimbestigahan ng solon

Gumuhong landfill sa Cebu, pina-iimbestigahan ng solon

200
0

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Akbayan Rep Dadah KIram Ismula ang trahedya ng pagguho sa landfill sa Binaliw, Cebu noong January 8 kung saan umabot na sa 26 katao ang napapaulat na nasawi.

Kaakibat nito ay isinulong din ng mambabatas na mabigyan ng karampatang kompensasyon at benepisyo ang mga biktimang nasawi at nasugatan at kamag-anak nila.

Pinamamadali ni Ismula sa gobyerno ng  Cebu City ang isang independent investigation sa Prime Integrated Waste Solutions Inc. (PIWSI) dahil sa pananagutan nitong ligal sa naganap na sakuna.

“This was a preventable tragedy. Hindi ito aksidente. Ito ay kapabayaan,” ani Ismula.

Nauna rito ay nagbabala na ang Commission on Audit (COA) sa naturang kompanya dahil sa mga panganib sa pasilidad kabilang ang leaks at pag-apaw ng basura ng higit pa sa kapasidad ng landfill.

“The residents have been complaining across different city administrations and the DENR but their concerns were shunned throughout the years. Sa Binaliw, umaalingasaw na ang kapabayaan at 18 na mga kababayan natin ang namatay.”

Isinulong na rin ng kongresista ang tulong-pinansyal at kompensasyon mula sa lokal na pamahalaan at sa national government para sa pamilya ng mga nasawi at mga napaulat na nawawala pa.

Ayon kay Ismula, bukod sa pagpapalibing ay dapat ding magkaloob ang gobyerno ng long-term livelihood support  at relokasyonpara sa mga survivors na naninirahan sa paligid ng danger zone.

“Kailangan ng mabilis na aksyon para sa mga pamilya. More than just prayers and mourning, they need justice and guaranteed compensation from the company responsible,” sinabi pa ni Ismula.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang itinigil ang search, rescue, at retrival operations dahil sa malalakas na  pag-ulan dulot ng bagyong Ada upang hindi malagay sa panganiba ang mga rescuers ayon kay Senior Fire Officer 1 Fulbert Navarro ng Bureau of Fire Protection Special Rescue Force.

Sa ngayon ay napaulat na meron pang 10 nawawala mula sa residenteng nakapaligid sa landfill. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here