Home NATIONWIDE San Juan Mayor, MMDA GM nagpulong sa mas mabilis na pag-responde sa...

San Juan Mayor, MMDA GM nagpulong sa mas mabilis na pag-responde sa trapiko, baha

194
0

MANILA, Philippines – Nakipagpalitan ng ideya, plano, at posibleng project collaboration si MMDA General Manager Usec. Nicolas D. Torre III kay San Juan City Mayor Francis Zamora sa courtesy visit nito sa opisina ng alkalde ngayong araw.

Inilahad ni Torre ang plano niya na mapabilis ang pagresponde ng MMDA sa mga insidente ng banggaan sa  pangunahing lansangan ng Metro Manila; at ilang hakbang na nakatuon sa regular na pag-alis ng basura mula sa mga daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.

Sa panig ni Mayor Zamora, sinabi niyang wala nang street pay parking sa San Juan City na nakatulong para mas mapabilis ang biyahe sa mga lansangan ng San Juan.

Inihayag din niya kay Torre ang magandang relasyon ng Metro Manila Council at ng MMDA.

Bilang presidente ng MMC, sinabi ni Zamora na bukas ang mga alkalde ng Metro Manila sa pakikipagtulungan sa MMDA para mas marami pang proyekto at programa sa ikauunlad ng Metro Manila.

Kasama rin sa courtesy visit sina Flood Control and Sewerage Management Dir. Mark Navarro, Traffic Engineering Center Dir. Engr. Francisco Pesino Jr., Solid Waste Management Office Dir. Hurdy Denosta, at Metro Parkways Clearing Group Dir. Francis Martinez. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here