Home NATIONWIDE Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy pinauwi na sa Russia

Vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy pinauwi na sa Russia

216
0
Iniharap sa mga media ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang Russian-American content creator na si Vitaly Zdorovetskiy na nambastos ng ilang Filipino at ginawa pa nitong content habang bumibisita sa bansa.Nilinaw ni Sec. Remulla na hindi basta ipapadeport ng pamahalaan ang vlogger na idineklara nang ‘undesirable alien’ at nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger sa bansa. Habang nasa harap ng media ay patuloy ang ginagawa nitong pang-iinis at pang-aasar sa harap mismo ni DILG Sec. Remulla. VAL LEONARDO

MANILA, Philippines – Ipina-deport na pa-Russia ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy kasunod ng ilang buwang pananatili nito sa kulungan.

Ani Immigration spokesperson Dana Sandoval, si Zdorovetskiy ay umalis sa Pilipinas Sabado ng gabi.

“Deported na po natin ngayon si Vitaly kanina lamang po an hour ago lang po,” sinabi ni Sandoval sa panayam ng DZMM Teleradyo.

“Siya po ay idineport papuntang Russia onboard a flight from Kalibo dahil may direct flight po from there.”

Si Zdorovetskiy ay tinukoy bilang undesirable alien kasunod ng mga kalokohang ginawa nito sa Pilipinas.

Inaresto ang naturang vlogger dahil sa pangha-harass ng mga tao sa kanyang content.

“Nakita po siyang undesirable alien matapos maging viral ang marami sa kanyang videos na prank na pinopost niya sa social media,” sinabi ni Sandoval.

“Kasama yung paghaharass niya sa security guard, minumura niya pinagsasalitaan ng di maganda ang isang Pilipina, merong nagnakaw siya ng isang electric fan at pinilit ipasok sa hotel niya. Meron pang nakabangga ng dyip kasi hinijack niya ang isang tricycle. Parang rage baiting in a way but it has transcended hindi lang kasi basta prank, but tumawid na po siya sa criminal activities na.”

Blacklisted na rin sa bansa si Zdorovetskiy.

“Nakulong siya for a few months. Kasabay ang andar ng local case niya humarap din siya sa deportation case. Inimplement na natin ang deportation kasama na rin ang blacklisting kaya wala na pong chance na makabalik siya a Pilipinas,” aniya.

Nauna nang nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla earlier na bagamat si Zdorovetskiy ay isang US green card holder, ito ay nananatiling Russian citizen.

“Ang passport niya ay galing sa Russia kaya doon ang processing ng deportation,” ani Remulla.

“Let this be a reminder to all our visitors here in the Philippines that we always welcome tourists and visitors. We treat them with respect, we accept them and we expect them to follow the same rules as we follow the same rules when we travel,” dagdag pa nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here