Home NATIONWIDE ‘Di pangkaraniwang taas ng antas ng ‘nuclear traces’ sa WPS, nadiskubre

‘Di pangkaraniwang taas ng antas ng ‘nuclear traces’ sa WPS, nadiskubre

222
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga siyentipiko ang “unusually high” na antas ng iodine-129, isang radioactive substance na ginagamit upang subaybayan ang mga aktibidad na may kinalaman sa nuclear, sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa isang pag-aaral ng mga eksperto mula sa Department of Science and Technology–Philippine Nuclear Research Institute, University of the Philippines Marine Science Institute, at University of Tokyo.

Sinuri ng mga mananaliksik ang 119 sample ng seawater mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at napag-alamang mas mataas ang antas ng iodine-129 sa WPS kumpara sa ibang lugar, na nagpapahiwatig ng panlabas na pinanggalingan.

Bagama’t walang nuclear plants o kilalang nuclear activities sa lugar, naniniwala ang mga eksperto na maaaring nagmula ang iodine-129 sa malalayong rehiyon, partikular sa Bohai Sea at Yellow Sea sa China, na dinadala ng mga ocean currents.

Ang mga lugar na ito ay naapektuhan ng iodine-129 mula sa lumang proseso ng nuclear fuel, mga nakaraang nuclear weapons tests, at ang Chernobyl disaster.

Ayon sa pag-aaral, ang iodine-129 mula sa mga pinagmulan na ito ay tumambay sa lupa sa hilagang-silangang bahagi ng China, nilabhan papunta sa mga ilog, at dinala sa dagat, kung saan tinulak ito ng mga ocean currents papunta sa WPS.

Sinabi ng mga mananaliksik na ipinapakita ng natuklasan kung paano kayang tumawid ng hangganan at lumakbay nang malayo ang radioactivity sa pamamagitan ng tubig-dagat, at maaaring makatulong ang iodine-129 upang mas maunawaan ng mga siyentipiko ang galaw ng ocean currents sa South China Sea. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here