Home METRO Higit 3 dekadang eskapo sa Iwahig, nabitag

Higit 3 dekadang eskapo sa Iwahig, nabitag

178
0

MANILA, Philippines – Nagwakas ang halos 3 dekadang pagtatago sa batas ng isang 57 anyos na pugante ng Iwahig Prison and Penal Farm matapos itong matunton ng pulisya sa Caloocan City.

Batay sa report mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Corrections–National Capital Region, natunton ang pugante sa Saint Peter St., Brgy. 186.

Nabatid na wanted sa kasong murder ang pugante na matapos mahatulan at mabilanggo sa Iwahig Prison ay nagawang makatakas at nakapagtago ng mahigit tatlong dekada.

Nagpahatid ng pasasalamat si Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa pamunuan ng NPD at sa mga operatiba ng District Investigation and Detective Management Division (DIDM) na nanguna sa pagtunton at pagdakip sa pugante na 37 taon nang tinutugis.
(Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here