Home NATIONWIDE Nakumpiskang mamahaling sasakyan ni Zaldy Co, may plekeng plaka – HPG

Nakumpiskang mamahaling sasakyan ni Zaldy Co, may plekeng plaka – HPG

194
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (HPG-PNP) ngayong Lunes na isa sa mga nakumpiskang luxury vehicle ni dating mambabatas Zaldy Co ay may pekeng plaka.

Ayon kay HPG-PNP Director Brigadier General Hansel Marantan, natuklasan sa macro-etching examination sa Ferrari ni Co na naka-rehistro ang sasakyan sa ibang indibidwal na may parehong modelo.

Kasulukuyang tinutukoy ng mga awtoridad kung kay Co o sa naturang driver ang pag-aari ng plaka.

Nakikipag-ugnayan ang HPG-PNP sa Land Transportation Office (LTO) para magsampa ng karagdagang kaso laban sa dating mambabatas.

Patuloy din ang paghahanap ng pulisya sa sampung iba pang luxury cars ni Co. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here