MANILA, Philippines – Inihayag ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (HPG-PNP) ngayong Lunes na isa sa mga nakumpiskang luxury vehicle ni dating mambabatas Zaldy Co ay may pekeng plaka.
Ayon kay HPG-PNP Director Brigadier General Hansel Marantan, natuklasan sa macro-etching examination sa Ferrari ni Co na naka-rehistro ang sasakyan sa ibang indibidwal na may parehong modelo.
Kasulukuyang tinutukoy ng mga awtoridad kung kay Co o sa naturang driver ang pag-aari ng plaka.
Nakikipag-ugnayan ang HPG-PNP sa Land Transportation Office (LTO) para magsampa ng karagdagang kaso laban sa dating mambabatas.
Patuloy din ang paghahanap ng pulisya sa sampung iba pang luxury cars ni Co. RNT