Home NATIONWIDE Bonoan, umasa lang sa datos na isinusumite ni Cabral sa flood control

Bonoan, umasa lang sa datos na isinusumite ni Cabral sa flood control

258
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Lunes na umasa siya sa datos na isinumite ng kanyang mga tauhan, lalo na ng tanggapan ng yumaong undersecretary Maria Catalina “Cathy” Cabral, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Bonoan, nagsumite ang DPWH noong Agosto 2025 sa Office of the President ng listahan ng mahigit 9,000 natapos na flood control projects mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025, kasunod ng ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ipinaliwanag niya na ang datos ay nagmula sa pinagsama-samang rekord ng Multi-Year Planning and Scheduling (MYPS) na inihanda ni Cabral.

“Mr. Chair, of course I relied on the data that was generated by our people in the department, especially the office of the late undersecretary Cathy Cabral, especially the initial,” ani Bonoan. “The submitted data are actually from the consolidated data by the late undersecretary Cabral. So, nandon po ‘yung mga MYPS (Multi-Year Planning and Scheduling) data,” dagdag niya.

Inakusahan naman ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson si Bonoan na sadyang nagsumite ng maling grid coordinates para sa libu-libong flood control projects, na nagresulta sa “grossly inaccurate data” at tinatayang 421 ghost projects.

Tinawag ni Bonoan na “mind-boggling” ang bilang at tinanong kung bakit hindi ito naitala ng Commission on Audit nang mas maaga.

Sinabi ni Bonoan na ang tanging potensyal na ghost projects na naipabatid niya kay Marcos ay ang mga iniulat ng Bulacan First Engineering District. Sinabi niyang sinabi niya sa presidente na umaasa siyang isolated case lamang ito, dahil walang ibang ulat ang dumating sa kanya.

“My statement to the President is that, ‘I hope Mr. President that this is an isolated case.’ Because there has not been any other report that reached me, including in Bulacan area where there are three engineering districts. It could’ve been a pattern actually in that district. You can imagine, there’s only one that has reported presence of ghost project,” paliwanag ni Bonoan.

Sinabi naman ni DPWH Undersecretary Arthur Bisnar na ang 421 na ulat na ghost projects ay nabawasan sa 416 matapos alisin ang limang duplicate. Sa mga ito, 287 ay may MYPS coordinates at 129 ay parehong MYPS at Infratrack coordinates. Idinagdag niya na 337 proyekto ang tinukoy na hindi umiiral matapos inspeksiyunin ng AFP, PNP, at DepDev, na walang nakita sa mga nakalagay na coordinates.

“Out of the supposedly 421, na-trimmed down to 416, ito ay initially pinuntahan na ng AFP, PNP, ng DepDev at chineck nila. Dahil wala silang nakita dahil mali ang coordinates, ni-report nila as non-existent,” ani Bisnar.

Sinabi ni Lacson na posibleng mas lumaki pa ang bilang ng ghost projects kung talagang maling grid coordinates ang naipasa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here