Home METRO 10 durugista nalambat sa kaliwa’t-kanang buy-bust ops ng mga parak sa Bulacan

10 durugista nalambat sa kaliwa’t-kanang buy-bust ops ng mga parak sa Bulacan

166
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 10 indibiduwal nang mabilhan at masamsaman umano ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito nitong Enero 19 at 20.

Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr, hepe ng Meycauayan police station, dalawang drug suspect ang naaresto sa  kanilang operasyon bandang 3:40 ng madaling araw sa Brgy. Pantoc.

Ayon sa ulat, nakabili ang posuer buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 kaya agad silang inaresto ng mga pulis sa lugar.

Nasamsam sa operasyon ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na tumimbang ng 13 gramo, may halagang  P88,400.00 at buy-bust money.

Samantala, tatlong indibiduwal kabilang ang isang umanoy miyembro ng Saturnino Crime Group naman ang naaresto ng mga awtoridad nang mahulihan ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P68,000.00 bandang 5:00 ng hapon sa Brgy. Sto Cristo, San Jose Del Monte.

Huli rin ang lima pang indibiduwal sa buy-bust operation ng Calumpit, Marilao, San Ildefonso at Hagonoy na nagresulta sa pagkakasamsam ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na nasa 7.55 gramo, may halagang P51,340 at buy-bust money.

Nahaharap ang lahat ng mga naarestong suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here