Home NATIONWIDE Zaldy Co, nagpadala ng ‘dialogue feelers’ sa isang pari

Zaldy Co, nagpadala ng ‘dialogue feelers’ sa isang pari

211
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules na umano’y nagpadala ng “feelers” si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa ilang pari upang humiling ng isang dayalogo o pag-uusap, habang nahaharap siya sa arrest warrant kaugnay ng mga alegadong anomalya sa flood control projects.

“Syempre we take them seriously. ‘Yung gusto makipag-dialogue kakausapin namin ‘yan. Pero kung bribe, eh wag na,” ani Remulla sa isang ambush interview.

Ayon kay Remulla, wala pang malinaw na dahilan kung bakit nais ni Co ang pakikipagpulong at iginiit niyang hindi pa beripikado ang impormasyon.

“Dialogue pa lang ‘yung hinahanap niya,” aniya. “Of course, that’s not verified. Parang ang sabi pa lang, sinabi ng kaibigan na kaibigan na pinaparating.”

Si Co ay nagpunta sa ibang bansa noong 2025 dahil umano sa medical reasons at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa Pilipinas habang patuloy ang imbestigasyon sa mga sinasabing anomalya sa flood control projects.

Nauna nang nagsampa ang Office of the Ombudsman ng mga kasong korapsyon at malversation of public funds laban kay Co at iba pa sa Sandiganbayan kaugnay ng P289-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.

Mariing itinanggi ni Co ang mga paratang. Idineklara na rin siya ng Sandiganbayan bilang “fugitive from justice” at ipinag-utos ang kanselasyon ng kanyang pasaporte.

Nauna nang sinabi ni Remulla na pinaniniwalaang nasa Portugal pa rin si Co. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here