Home METRO NPA utas sa bakbakan sa Sorsogon

NPA utas sa bakbakan sa Sorsogon

259
0

MANILA, Philippines – Isang New People’s Army (NPA) rebelde ang napatay sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga hinihinalang rebelde sa Sorsogon noong Martes, ayon sa 9th Infantry Division (9ID) nitong Miyerkules.

Rumesponde ang 31st Infantry Battalion matapos makatanggap ng ulat mula sa komunidad tungkol sa mga armadong rebelde sa boundary ng Barangay Banban sa Donsol at Barangay Catamlangan sa Pilar.

Nang lapitan ng mga sundalo ang lugar, nakatagpo sila ng humigit-kumulang pitong miyembro ng NPA at nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng mga 15 minuto.

Isang hindi pa nakikilalang rebelde ang napatay at naiwan sa lugar habang ang iba ay tumakas.

Narekober ng mga tropa ang dalawang high-powered firearms at pinalakas ang seguridad sa nasabing lugar.

Hinimok ni Maj. Gen. Aldwine Almase, commander ng 9ID, ang publiko na i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa awtoridad upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here