Home OPINION MAS MARAMING OBRERONG PINOY NAGKABAHAY SA P140.54B HOUSING LOAN NG PAG-IBIG

MAS MARAMING OBRERONG PINOY NAGKABAHAY SA P140.54B HOUSING LOAN NG PAG-IBIG

161
0

INANUNSYO ng mga opis­yales ng Pag-IBIG Fund na uma­bot sa P140.54 bil­yon ang inilabas na housing loan ng ahensya noong taong 2025. Ito ay mas mataas ng 8% kumpara sa P129.73 bilyon na na­itala noong 2024. Ang mga programa sa pabalay ng ahensya ay nakatulong sa 90,727 manggagawang Pi­lipi­no upang makabili ng sa­riling bahay o magpondo para sa konstruksyon, renobasyon, o pagsasa­ayos ng tirahan.

Kamakailan lamang ay kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ahensya sa ginanap na National Housing Expo noong nakaraang Oktubre 2024 dahil sa mga pagsisikap nitong palawakin ang access sa abot-kayang pabahay sa bansa. Ayon sa Pag-IBIG, ang tagumpay na ito ay rep­leksyon ng patuloy na sigla ng affordable housing finance sa Pilipinas.

“Nalulugod kaming iulat na ang nakamit ng Pag-IBIG Fund sa housing loan noong 2025 ay nagpapakita ng aming patuloy na paggawa sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o Expan­ded 4PH, upang matulu­ngan ang mas maraming manggagawang Pilipino na magkaroon ng disenteng tahanan,” pahayag ni Jose Ramon P. Aliling, Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Tagapangulo ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Dagdag pa niya, suporta ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na pabilisin ang paghahatid ng murang pabahay sa pamamagitan ng pananatiling accessib­le ng pondo para sa mga Pilipino. Target din nilang higit pang palakasin ang ugnayan sa mga shelter partners sa 2026 upang mapabilis ang paglalabas ng loan.

Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, ang kanilang mga prog­rama ay idinisenyo upang manatiling abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay para sa mga miyembro nasa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Sa kabuuang halaga ng pautang, iniulat ng ahensya na:
• 7,056 unit ng Expan­ded 4PH socialized housing (nagkakahalaga ng P7.63 bilyon) ang napondohan sa ilalim ng subsidized na 3% interest rate.
• 4,811 unit (nagkaka­halaga ng P6.2 bilyon) na­man ang napondohan sa ilalim ng 4.5% promotional rate para sa mga loan na hanggang P1.8 milyon.

“Ang Pag-IBIG Fund ay nananatiling kaisa sa layunin ni Pangulong Marcos Jr. na palawakin ang access sa de-kalidad at abot-kayang pabahay, lalo na para sa mga minimum wage ear­ners at middle-income mem­bers,” ani Acosta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here