Home HOME BANNER STORY Ikalawang impeachment case vs PBBM, ihahain ng Makabayan bloc

Ikalawang impeachment case vs PBBM, ihahain ng Makabayan bloc

261
0

MANILA, Philippines – Maghahain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga militanteng grupo sa pangunguna ng Makabayan bloc sa House of Representatives sa Huwebes, Enero 22.

Kinumpirma ni House Deputy Minority Leader ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa isang Viber message sa mga reporter na isasagawa ang paghahain ng reklamo sa ganap na 10 a.m.

Ito ang ikalawang impeachment complaint laban sa pangulo mula noong Lunes, Enero 19.

Ayon kay Bayan President Renato Reyes Jr., nakabatay ang bagong impeachment complaint sa betrayal of public trust, at tumutukoy sa umano’y “systematic and large-scale plunder of public funds” sa pamamagitan ng presidential at congressional allocations para sa mga pet project.

Inireklamo rin ang umano’y pag-abuso sa unprogrammed appropriations (UA) para pondohan ang mga anomalous infrastructure projects, pati na ang kickbacks at mga standard operating procedures na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal.

Sinabi ni Reyes na nananatiling umiiral ang sistema ng “allocables” at UAs at hindi pa ito naimbestigahan, na aniya ay nagpapakita ng “complicity in corruption” ng pangulo.

Kabilang sa mga maghahain ng reklamo ang mga taxpayers, manggagawa, magsasaka, estudyante, guro, urban poor, propesyonal, at mga anti-corruption advocates.

Inaasahang i-eendorso ng mga kasapi ng Makabayan na sina Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, at Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang reklamo, na isang requirement para ito ay tanggapin ng House Secretary General.

Inaasahan ni Reyes na maipapadala ang verified complaint sa Speaker at maisasama sa order of business.

Ang unang impeachment complaint ay inihain noong Lunes ni abogado Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here