Home NATIONWIDE Masusing imbestigasyon, mabilis na pagbayad ng insurance iniatas sa malagim na disgrasya...

Masusing imbestigasyon, mabilis na pagbayad ng insurance iniatas sa malagim na disgrasya sa Isabela

224
0

MANILA, Philippines — Iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang imbestigasyon at mabilis na pag-release ng insurance payout para sa mga biktima ng nakamamatay na salpukan ng isang trak at passenger jeepney sa Luna, Isabela noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na sumusunod ang ahensya sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang tulong para sa mga biktima ng aksidente sa kalsada. Tatlong tao ang nasawi at ilan pa ang nasugatan.

“We know that life cannot be replaced and no amount of assistance can take away the pain of losing a family member, but all we can do right now is to ensure that the rights of the victims for insurance payment are protected and expedited,” ani Mendoza.

Nagpadala ang LTFRB ng mga personnel upang imbestigahan ang banggaan at kunin ang kopya ng police report. Nakipag-ugnayan si LTFRB Region 2 Director Richard Dayag sa transport cooperative na may-ari ng jeepney at sa Passenger Accident Management & Insurance Agency, Inc. upang mapabilis ang proseso ng insurance payout.

Naglabas din ang LTFRB ng show-cause order laban sa operator ng passenger jeepney bilang bahagi ng imbestigasyon upang matukoy ang roadworthiness ng sasakyan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here