Home HOME BANNER STORY Zaldy Co nasa gated community sa Lisbon – Remulla

Zaldy Co nasa gated community sa Lisbon – Remulla

210
0

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang tumutuloy sa loob ng isang gated community sa Lisbon, Portugal si dating lawmaker Zaldy Co, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes, Enero 22.

Ani Remulla, tiyak ng mga awtoridad ang lokasyon ni Co batay sa nagpapatuloy na surveillance efforts ngunit sinabing nananatiling mahirap makapasok sa naturang lugar.

“Nasa Portugal siya. We’re pretty certain nasa Lisbon siya. Isang gated community. Halos hindi lumalabas ng bahay,” sinabi ni Remulla sa panayam ng DZBB.

“Meron kaming operatives na tumitingin, nagsu-surveillance siya. Pero halos di lumalabas ng bahay. Nandoon lang sa loob. Hindi kasi makakapasok doon sa gated community na iyan,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga pagsubok sa pag-aresto kay Co ay ang kakulangan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal. Pinaniniwalaan din na may hawak na Portuguese passport si Co.

“The government will apply all the pressure necessary. Kasi ngayon, lahat ng assets niya, malapit na ma-seize. Lahat ng pera niya rito, on hold. Lahat ng properties niya, lahat ng negosyo niya, nakukuha na ng gobyerno. Kahit paano, kung sino ka man, ipaglalaban mo ‘yan. In all legal ways, hindi kami manggigipit na hindi legal,” sinabi ni Remulla.

Noong Nobyembre 2025, inisyu ang arrest warrants laban kay Co at iba pa kabilang ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga direktor ng Sunwest Corp. sa maanomalyang flood control projects.

Naghain din ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng corruption at malversation of public funds charges laban kay Co at iba pa kaugnay sa P289 milyong proyekto sa Oriental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here