Home NATIONWIDE Paghahanap sa nawawalang crew ng Singaporean Cargo ship sa WPS, ipinagpapatuloy ng...

Paghahanap sa nawawalang crew ng Singaporean Cargo ship sa WPS, ipinagpapatuloy ng PCG

278
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang barko at dalawang eroplano para sa search and rescue ng mga nawawalang Filipino crew matapos lumubog ang M/V Devon Bay, isang Singaporean-flagged cargo ship, sa West Philippine Sea bago mag-alas-5 ng umaga, Biyernes.

Ayon sa ulat, 17 crew ang nailigtas ng isang dumaraang barko ng China Coast Guard, habang apat ang nananatiling nawawala.

Ang barko ay may 21 Filipino crew at naglalaman ng iron ore, mula Gutalac, Zamboanga del Sur, patungong Yangjiang, China, nang maglista ito ng 25 degrees at lumubog.

Ang rescue operation ay ayon sa UNCLOS, na nag-uutos sa lahat ng barko na tumulong sa mga tao sa panganib sa dagat, kahit sa mga teritoryo ng ibang bansa.

Nilinaw ng PCG na ang freedom of navigation ng ibang barko sa Philippine EEZ ay hindi nagbibigay karapatan sa law enforcement patrols.

Patuloy ang PCG sa pagsubaybay at paghahanap ng mga nawawalang crew upang masiguro ang kanilang kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here