Home METRO Sekyu, guilty sa pag-hagis ng aso mula sa Kyusi footbridge

Sekyu, guilty sa pag-hagis ng aso mula sa Kyusi footbridge

201
0

MANILA, Philippines – Nahuli at nahatulan ng bilanggo at multa ang isang mall security guard na ihinagis ang tuta na si Browny mula sa footbridge noong 2023 sa Quezon City, na nauwi sa kamatayan ng hayop.

Ayon sa Animal Kingdom Foundation (AKF), nahatulan ang guwardiya ng Minimum: 1 taon, 6 buwan, at 1 araw; Maximum: 2 taon ng pagkakakulong, at multang Php100,000; kung hindi kayang bayaran, papalitan ng pagkakakulong

Hawak din siya ng civil liability at inutusan bayaran ang may-ari ng tuta ng Php20,000 bilang moral damages, na may 6% interes kada taon mula sa finality ng desisyon hanggang sa mabayaran.

“May this ruling honor the life that was lost and serve as a warning that animals are not disposable, and cruelty has consequences,” ani AKF.

Dagdag pa nila, patuloy silang lalaban at magsasalita para sa mga walang boses. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here