Home OPINION FLR, MORAL ASCENDANCY SA SARA IMPEACH

FLR, MORAL ASCENDANCY SA SARA IMPEACH

251
0

ILANG araw na lang, Pebrero 6, 2026 na.

Sa pulitika, mahalaga ang petsang ito dahil pagsisimula ito ng petsa na balak muling i-impeach si Vice President Sara Duterte makaraang ibasura ng Supreme Court ang naunang kasong impeachment.

Sa mga araw na ito, hindi na kasing-ingay ang mga kongresman kumpara noong nakaraang taon ukol sa nasabing impeachment at higit na nakararami ang nagkaisang sumang-ayon, gaya ng 240 kongresman na pumirma rito.

Makaraan nito, pare-pareho sina Navotas Congressman Toby Tiangco, dating Senate President Chiz Escudero at VP Sara sa pagsasabing naging pera-pera ang impeachment na iyon sa anyo ng bilyon-bilyong piso umanong “For Later Release” o FLR na pabuya o suhol.

Si Tiangco ang nagpaliwanag sa FLR at nagkainteres nang husto ang mga kongresman lalo’t nalalapit noon ang halalang Mayo 2025.

Kung may cash, nanatiling sikreto hanggang ngayon at kung may nakatanggap ng FLR, sikret din.

Ngayon naman, dahil sa katahimikan ng higit na nakararami, ano-ano kaya ang mga dahilan?

Dahil ba sa kawalan ng FLR sa 2026 badyet, gaya ng sinasabi ni Tiangco?

May nagsasabi namang baka magkaroon ng pagbabago sa mga darating na araw at marami muli ang mang-impeach.

Ngunit sinasabi naman ni Tiangco, may mga ayaw sa bagong impeachment dahil mantsado ng korapsyon ang mga kongresman kaugnay ng iskandalo at kikbakan sa mga flood control project.

Paliwanag niya, bagama’t may tungkuling konstitusyonal ang pag-impeach sa inaakusahan ng korapsyon, gaya ni VP Sara na umano’y kumorap sa P125 milyon, walang moral ascendancy o dangal ang mga kongresman na mang-impeach dahil sila ang lumilitaw na korap sa bilyon-bilyong kikbak nila sa mga multo, overpriced at marurupok na flood control projects na ikinamamatay at ikinahihirap ng mga mamamayan sa baha at landslide.

Maalala ba ninyo ito? “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan, siya ang maunang bumato sa kanya (babaeng makasalan)!”

Hek-hek-hek!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here