Home NATIONWIDE Non-working days sa 5 lugar para sa Enero, Pebrero 2026 idineklara ni...

Non-working days sa 5 lugar para sa Enero, Pebrero 2026 idineklara ni PBBM

189
0

MANILA, Philippines — Nagdeklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga special non-working day sa limang lugar sa bansa para sa mga piling petsa sa Enero at Pebrero 2026.

Sa magkakahiwalay na proklamasyon na inilabas sa pamamagitan ni Executive Secretary Ralph Recto, saklaw ng deklarasyon ang isang lalawigan, dalawang lungsod, at dalawang bayan, ayon sa abiso ng Malacañang nitong Sabado.

Batay sa Proclamation No. 1143, suspendido ang trabaho sa Cadiz City, Negros Occidental sa Enero 26 bilang paggunita sa 52nd Dinagsa Festival.

Samantala, idineklara namang special non-working day ang Ilocos Norte sa Pebrero 2 sa bisa ng Proclamation No. 1147, kasabay ng pagdiriwang ng 208th Founding Anniversary ng lalawigan.

Sa Biñan City, Laguna, walang pasok sa Pebrero 3 alinsunod sa Proclamation No. 1144 bilang paggunita sa 81st Liberation Day ng lungsod.

Idineklara rin ang Pebrero 2 bilang non-working day sa Buug, Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Proclamation No. 1145, kaugnay ng founding anniversary ng bayan at pagdiriwang ng BOG Festival.

Samantala, itinakda ng Proclamation No. 1146 ang Pebrero 28 bilang special non-working day sa Sarrat, Ilocos Norte para sa founding anniversary ng bayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here