Home NATIONWIDE Walang disiplinang truck driver na naglagay sa panganib ng isang motorista, inisyuhan...

Walang disiplinang truck driver na naglagay sa panganib ng isang motorista, inisyuhan ng SCO

208
0

MANILA, Philippines – Dahil sa kawalan ng desiplina naglabas ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno no LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ng Show Cause Order (SCO) bilang bahagi ng imbestigasyon na ginagawa ng LTO hinggil sa isang insidente na kumalat sa social media kung saan ang isang truck ay sangkot sa isang mapanganib na sitwasyon.

Makikita sa viral video na may isang motorista na nakatayo sa harap ng truck subalit ang truck ay nagpatuloy sa pag-andar kahit maririnig na malakas na isinisigaw ng asawa ng nasabing motorista na ito ay natutulak ng truck habang gumagalaw ito.

Subalit patuloy pa rin ang truck sa pag-abante na nagdulot ng panganib sa buhay ng motorista.

Ayon sa SCO, ang may-ari at driver ng truck ay kailangan magsumite ng kanilang verified comment/explanation sa Intelligence and Investigation Division sa 28 January 2026, 2:00 PM.

Kailangan ipaliwanag ng driver kung bakit hindi siya dapat managot sa kaso ng reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.

Ang may-ari ng sasakyan ay kailangan din ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa kaso ng pag-employ ng isang reckless na driver.

Kaugnay nito alinsunod pa rin sa SCO, ang truck ay ilalagay sa alarm status at ang lisensya ng sangkot na driver ay sususpendihin ng siyamnapung (90) araw habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Samantala, mariing naman pinaalala ni Asec Lacanilao: “Ang insidenteng ito ay isang paalala na ang lahat ng mga driver at operator ng sasakyan, pribado man or pampubliko, ay may pananagutan na tiyakin na ang kanilang mga aksyon ay sumusunod sa mga batas trapiko at nagpapahalaga sa kaligtasan ng lahat. Hinihikayat ko ang lahat ng mga driver na maging disiplinado at may respeto sa mga gumagamit ng kalsada upang maging ligtas at payapa ang ating mga lansangan.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here