INDONESIA – Pito katao ang nasawi habang 82 ang nawawala matapos tumama ang landslide sa West Java province sa Indonesia, ayon sa disaster mitigation agency nitong Sabado, Enero 24.
Ayon sa isang lokal na opisyal, ang landslide ay tumama sa isang lugar sa West Bandung region.
“The number of missing persons is high, we will try to optimize our search and rescue efforts today,” sinabi ni Abdul Muhari, agency spokesperson.
Nauna nang nagbabala ang weather agency ng Indonesia sa masungit na panahon kabilang ang malalakas na ulan sa West Java province sa loob ng isang linggo mula nitong Biyernes. RNT/JGC