Home NATIONWIDE 5 sugatan sa banggaan ng kolong-kolong at kotse sa Ilocos

5 sugatan sa banggaan ng kolong-kolong at kotse sa Ilocos

168
0

ILOCOS SUR- Sugatan ang limang indibiduwal sa naganap na banggaan ng kolong-kolong at kotse sa national highway sa Brgy. Olo-olo Norte, Santiago ng lalawigang ito kahapon, Enero 23.

Ang mga sugatan sa naturang insidente ay ang 27-anyos na lalaki na driver ng kolong-kolong pati at ang apat na pasahero nitong mga edad ay 29, 25, 25, at 26, pawang mga residente ng Mangaldan, Pangasinan.

Nakaramdam naman ng pananakit ng katawan (body pain) ang 42-anyos na babae na driver ng Honda City na residente ng Vigan City, Ilocos Sur.

Bumibiyahe papuntang timog ang kotse samantalang papunta naman ng opposite direction ang kurong-kurong.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang umanong nasakop ng motorsiklo ang kabilang lane na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Agad na isinugod sa Candon General Hospital ang limang sugatan pati na ang driver ng kotse. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here