Home NATIONWIDE Motorsiklo sumalpok sa nakaparadang SUV; 1 patay, 1 sugatan

Motorsiklo sumalpok sa nakaparadang SUV; 1 patay, 1 sugatan

183
0

ILOCOS NORTE – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 19-anyos na lalaki samantalang sugatan ang angkas nitong menor de edad na babai matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang nakaparadang SUV sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw, Enero 24.

Ayon sa pulisya, ang namatay na driver ng Yamaha Aerox ay residente ng Laoag City at ang 17-anyos na angkas nito ay residente naman ng Dingras, Ilocos Norte.

Ang 39-anyos na lalaking driver ng Nissan Patrol ay residente naman ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Base sa imbestigasyon, ang Yamaha Aerox ay bumibiyahe sa Padsan Bridge papuntang hilagang direksyon samantalang ang Nissan Patrol na nakaharap ng hilaga ay naka-stationary park sa eastern portion ng kalsada.

Pagdating ng motorsiklo sa pinangyarihang ng insidente ay aksidente nitong nabangga ang likuran ng Nissan Patrol.

Resuta nito, dead on the spot ang driver ng motorsiklo samantalang ang angkas nito ay agad na isinugod sa ospital. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here