Home NATIONWIDE Resolusyon sa mga kaso laban kay Barzaga, inihahanda na – DOJ

Resolusyon sa mga kaso laban kay Barzaga, inihahanda na – DOJ

208
0

MANILA, Philippines – Handa na para sa resolusyon ng mga piskal ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong kriminal laban kay suspendidong Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Noong Biyernes, Enero 23, nagsumite si Barzaga ng kanyang mga counter-affidavit kaugnay ng mga kasong inihain ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ayon kay DOJ Spokesperson Raphael Niccolo L. Martinez, dalawang kriminal na reklamo ang isinampa laban kay Barzaga.

Nag-ugat ang mga kaso sa Facebook post ni Barzaga noong Oktubre 2025 na sumusuporta sa panawagan para sa paghihiwalay ng Mindanao at sa anti-President Marcos rally na pinangunahan niya sa Forbes Park, Makati City noong Oktubre 12, 2025.

Dahil sa Facebook post, kinasuhan si Barzaga ng inciting to sedition sa ilalim ng Article 142 ng Revised Penal Code (RPC) at inciting to rebellion or insurrection sa ilalim ng Article 138 ng RPC, na inamyendahan at kaugnay ng Section 6 ng Republic Act (RA) 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kaugnay naman ng rally, kinasuhan siya ng tumults and other disturbance in public places sa ilalim ng Article 153 ng RPC; alarm and scandal sa Article 155 ng RPC; at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985.

Noong Disyembre, sinuspinde si Barzaga nang walang sahod ng House of Representatives dahil sa kanyang mga Facebook post na inilarawan bilang “unbecoming of a House member.”

Mayroon ding ilang cyber libel complaints na isinampa laban sa kanya. Kabilang sa mga nagreklamo sina Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno at negosyanteng bilyonaryo na si Enrique K. Razon Jr. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here