Home METRO Prinsipal, utas sa sunog sa Samar

Prinsipal, utas sa sunog sa Samar

143
0

SAMAR, Philippines – Patay ang isang school principal matapos masunog ang kanyang bahay sa Barangay Malihao, Hinabangan, Samar noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima bilang si Dolfo, 58.

Napansin ng kasama sa bahay ang usok mula sa silid ni Dolfo; tumawag ito ng tulong sa pamangkin nito upang subukang buksan ang pinto, ngunit hindi ito nagtagumpay.

Nang mabuksan nito ang pinto, lumabas ang makapal na usok at natagpuan ang katawan ng biktima malapit sa pinto.

Dinala ang katawan ng biktima sa isang funeral home sa Catbalogan City para sa post-mortem exam.

Iniimbestigahan ng Hinabangan Fire Station ang sanhi ng sunog, at tinatayang P250,000 ang pinsala sa ari-arian. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here