Home METRO Tondo Church idedeklarang minor basilica sa May 11

Tondo Church idedeklarang minor basilica sa May 11

192
0

MANILA, Philippines — Idedeklara bilang minor basilica ang Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño de Tondo sa darating na Mayo 11.

Ang solemneong pagdiriwang ng Eukaristiya ay pangungunahan ni Apostolic Nuncio sa Pilipinas Charles John Brown, DD, kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, DD, at mga concelebrating na pari at prelato sa ganap na ika-2 ng hapon.

“Let us come together as one people of God to celebrate this historic moment of grace, deepened devotion, and renewed mission under the loving guidance and protection of the Santo Niño,” ayon sa post ng Tondo Church sa social media.

Ibinigay ang titulo ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng papal decree noong Nob. 9, 2025. Kinikilala ang isang simbahan bilang minor basilica dahil sa makabuluhang kahalagahang historikal, arkitektural, o espiritwal. Ang pagkakatalaga ay nangangahulugan din ng “closer relationship to the Pope” at nagbibigay ng karapatang gamitin ang papal symbol na crossed keys sa mga banner, kagamitan, at selyo ng simbahan.

Itinatag noong 1572, tahanan ng Tondo Church ang Santo Niño de Tondo, ang ikalawang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa Pilipinas. Ipinagdiriwang ang pista nito tuwing ikatlong Linggo ng Enero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here