Home NATIONWIDE Pinas ‘di nakasailalim sa ‘de facto Martial Law’ – Palasyo

Pinas ‘di nakasailalim sa ‘de facto Martial Law’ – Palasyo

232
0

MANILA, Philippines – Itinatwa ng Malakanyang na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng tinatawag na “de facto martial law,” sabay-sabing ang akusasyon ay walang basehan at hindi nararapat na makakuha ng tugon mula sa Malakanyang.

Binigyang-diin pa ng Malakanyang na nananatiling in place ang rule of law.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi nararapat na makakuha ng tugon mula sa Malakanyang ang naging video statement ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa sinabi niyang nasa ilalim umano ng de facto martial law ang Pilipinas.

“Not all wrong opinions deserve a response from the Palace. Iyon lang,” ang sinabi ni Castro.

Ani Castro, dapat na maramdaman ng publiko o ng mga miyembro ng media kung totoo ba ang sinasabi ni Leviste.

“Unang-una po, mismong mga taga-media, kayo po na miyembro ng MPC [Malacañang Press Corps] ay makakaramdam kung totoo po ba ang kaniyang mga sinasabi,” anito.

Sa kabilang dako, pinabulaanan din ni Castro na target ng pamahalaan ang mga kritiko nito sa pamamagitan ng pagbubunyag ng korapsyon, sabay-sabing hindi kailanman nagsampa ng kaso si Pangulong Marcos laban sa kanyang mga detractors sa kabila ng paulit-ulit na akusasyon laban sa kanya.

“Kung may mga kritiko, makikita naman po natin panay-panay ang pag-akusa, pagbibigay ng mga masasakit na salita na walang katotohanan sa Pangulo, pero ang Pangulo mismo ay hindi po nagsasampa ng kaso,” aniya pa rin.

Matatandaang idiniin ni Leviste sa publiko na nasa ilalim diumano ng “de facto martial law” ang Pilipinas kahit wala itong opisyal na deklarasyon mula sa mga awtoridad noong Lunes, Enero 26, 2026.

Ayon kay Leviste, marami raw ang nananahimik at ayaw maging kritiko laban sa korapsyon dahil sila pa umano ang nasasampahan ng kaso.

Nagawa ring gawing halimbawa ng mambabatas ang nangyari noong Martial Law sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na ama ng kasalukuyang Pangulo.

Tila naniniwala naman si Leviste na magtatagumpay ang mga nagsasalita patungkol sa korapsyon katulad umano ng ginawa ng mga nauna sa kanila sa panahon noong Martial Law. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here