Home METRO Yate nasunog sa karagatan ng Tingloy, Batangas

Yate nasunog sa karagatan ng Tingloy, Batangas

201
0

MANILA, Philippines – Nasunog ang isang yate habang nasa karagatan ng Tingloy, Batangas ngayong Enero 27.

Agad namang tumugon ang Philippine Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa insidente ng sunog na kinasasangkutan ng Motor Yacht (M/Y) Allusive.

Bandang alas-7 ng umaga, nakatanggap ang CGDSTL ng ulat mula sa Coast Guard Sea Marshal Unit–Southern Tagalog personnel na sakay ng isang dumadaang passenger vessel na nakakita ng usok at apoy mula sa motor yacht.

Agad na isinagawa ng CGDSTL ang mga emergency response procedures.

Batay sa paunang impormasyon, ang M/Y Allusive, kasama ang convoy vessel nitong M/Y Neptimus 3, ay umalis mula Puerto Galera patungong Punta Fuego, Nasugbu, Batangas upang lumahok sa isang yacht sailing event.

Habang nasa biyahe, nagkaroon ng sunog sa M/Y Allusive na pinaniniwalaang nagsimula sa engine room dahil sa posibleng electrical failure, na kasalukuyang iniimbestigahan.

Agad na iniwan ng pitong Filipino crew ang yate at nailigtas sa tulong ng M/Y Neptimus 3.

Ang nasabing sasakyang pandagat ay hinila papunta sa dalampasigan at natukoy na hindi ito nagdulot ng panganib sa paglalayag.

Ang mga nailigtas na crew members ay dinala sa Batangas Port para sa medikal na pagsusuri. Walang naiulat na nasugatan.
— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here