Home ENTERTAINMENT Sean Raval, to the rescue kay AJ!

Sean Raval, to the rescue kay AJ!

236
0

Manila, Philippines — Introducing Sean Raval, isa sa labingwalong anak ni Jeric Raval.

Isa siyang newbie at kabilang sa mga alaga ng Borracho Artists and Talents ni Atty. Ferdie Topacio.

Sa isang mediacon para sa upcoming film, natanong si Sean kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa bashing na dinaranas ng kanyang kapatid na si AJ Raval.

Aniya, “Siyempre, bilang kapatid, nasasaktan ako. Pero hindi naman mawawala ang bashing sa showbiz. Kahit wala sa showbiz, marami talagang bashers.”

Obyus na ang isyung binabato kay AJ ay ang pagkakaroon nito ng tatlong anak kay Aljur Abrenica.

Ayon kay Sean, hindi na niya kailangang payuhan ang kapatid dahil matatag daw ito.

“I’m proud of her coz she’s really tough, she’s really strong… she can handle all the issues herself,” ani niya.

Tungkol naman sa mga bashers ni AJ, ano ang nais niyang sabihin?

“Ang masasabi ko po sa mga bashers ng ate ko… move on! Number two, don’t be judgmental without knowing ‘yung full story ng tao!”

Samantala, marami ang nagsasabing malaki ang hawig ni Sean sa kanyang ama na si Jeric.

“Siyempre, masaya po ako. Pero gusto ko pa ring sumikat on my own, as Sean Raval… not because I look like my dad!” ani ng promising newbie.

Ayon pa kay Sean, nais niyang lumikha ng sariling imahe, bagaman gusto rin niyang maging action star tulad ng kanyang ama.

“‘Yun daw ang kanyang passion,” sabi pa ni Sean na aminadong kilala ang kanyang 17 iba pang mga kapatid.
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here