Home HOME BANNER STORY Bulkang Mayon muling nagbuga ng lava

Bulkang Mayon muling nagbuga ng lava

193
0

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang effusive eruption ng Bulkang Mayon sa Albay sa ika-21 sunod-sunod na araw nitong Martes, na naglabas ng makinang na lava flows, rockfall, at pyroclastic density currents (PDCs) o “uson,” ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ipinakita sa mga litrato mula 8:15 p.m. hanggang 8:17 p.m. ng Martes ang makinang na lava at PDCs na bumababa sa mga dalisdis, partikular sa Mi-isi (timog), Bonga (southeast), at Basud (silangan) na mga gully. Nagbahagi rin ang PHIVOLCS ng time-lapse video ng pagsabog mula 8:01 p.m. hanggang 8:08 p.m.

Naitala ng ahensya ang 272 volcanic earthquakes, 155 rockfall events, at 44 PDCs hanggang Martes ng umaga. Napansin rin ang crater glow, usok, at pagbabago sa lupa ng bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, ang pagbabago sa mga baseline gamit ang electronic distance meters (EDM) sa dalisdis ay maaaring magpahiwatig ng pag-alsa ng lupa na may kaugnayan sa subsurface magmatic intrusions. Regular din nilang minomonitor ang sulfur dioxide emissions, isang pangunahing gas ng magma na lumalabas habang papalapit ang magma sa ibabaw.

“Alert Level 3 prevails over Mayon and entry into the 6-km Permanent Danger Zone must be prohibited,” babala ng PHIVOLCS. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here