Home NATIONWIDE P1.9-M 6D lotto jackpot nasolo!

P1.9-M 6D lotto jackpot nasolo!

201
0

MANILA, Philippines – Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P1.9 milyon sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Enero 27, 2026, habang wala namang tumama sa jackpot ng iba pang pangunahing laro ng lotto.

Ayon sa PCSO, nakuha ng nag-iisang nanalo ang tamang kombinasyon ng 2-7-1-4-5-5 sa eksaktong pagkakasunod-sunod, na nagkakahalaga ng P1,972,653.00 na jackpot prize.

Wala ring tumama sa winning combination na 23-34-17-35-01-27 para sa Lotto 6/42, na may jackpot na P27,507,160.00.

Nanatiling hindi pa napapanalunan ang P18,196,920.20 jackpot prize ng Superlotto 6/49 matapos walang makakuha ng kombinasyong 41-23-26-33-10-20. Gayundin, nanatiling buo ang P49,500,000.00 jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa numerong 25-50-06-46-27-07.

Isinasagawa ang draw ng Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado; ang Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; at ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here